Nagbabala ang Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) sa posibleng idulot ng pagpapataw ng 25-percent corporate income tax sa mga pribadong paaralan sa bansa.
Ayon kay COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada, posibleng magdulot ang pagpapataw ng buwis ng lalo pang pagtataas ng mga bayarin sa mga paaralan.
Habang kung magpapatuloy pa, magiging sanhi rin ito ng pagsasara ng mga paaralan at pagkalugi dahil sa kawalan ng pondo.
Sa ngayon, batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang nitong September 2020, nasa 900 pribadong paaralan na sa bansa ang nagsuspinde ng kanilang operasyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ilang senador na rin ang sumuporta sa COCOPEA na bawiin ang BIR’s Revenue Regulation 5-2021 dahil sa takot na maraming pribadong paaralan pa ang magsara.
Sa kabila naman nito, suportado ng Malakanyang ang patakaran dahil paliwanag nito, sinusunod ng kautusan ang orihinal na depinisyon ng Tax Code.