Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa posibleng epekto ng pagtaas ng bilang ng mga nasa legal profession na namamatay sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagsampa sa 61 ng serye ng mga pagpaslang at panghaharass sa mga abogado at hukom sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHR Chairperson Atty. Jacqueline de Guia na posibleng magkaroon ng tolerance ang nangyayari na magreresulta ng paglalagay sa sariling kamay ng hustisya at batas.
Nakakalungkot din aniya na nadagdagan pa ang mga sektor na naging biktima ng karahasan, kung saan kabilang na ang Korte Suprema na mariing tinutulan ito.
Sa ngayon, muling pinamamadali ng CHR ang paglalagay ng body cameras sa mga pulis upang mapatunayang ang transparency sa lahat ng operasyon nito.