Epekto ng sunod-sunod na oil price hike, ramdam na rin ng mga airline company

Ramdam na rin ng mga airline companies ang epekto ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.

Katunayan ayon kay Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna, nitong Hunyo ay nagpatupad na sila ng Level 7 fuel surcharge bunsod ng pagtaas ng presyo ng jet fuel.

Sa ilalim ng CAB-approved Level 7, maaaring mag-collect ng fuel surcharge na mula P201 hanggang P769 para sa one-way domestic flight habang P1,035 hanggang P9,892 na fuel charge naman para sa one-way international ticket.


“Hindi maikakaila na may impact ang spike in fuel prices sa aming operation, kaya meron po tayong go signal mula sa Civil Aeronautics Board, ang CAB na mag-implement ng Level 7 fuel surcharge,” ani Villaluna.

“Itong Level 7 fuel surcharge is something we are observing faithfully. Now yung decision po natin [sa surcharge] will depend on the route,” dagdag niya.

Samantala, tiniyak naman ni Villaluna na may mga ginagawa rin silang hakbang upang hindi gaanong maramdaman ng kanilang mga pasahero ang pagtaas sa pamasahe sa eroplano.

Kabilang aniya rito ang mga iniaalok nilang promo fare.

“We would like to assure our passengers na bagama’t meron po tayong in-implement na fuel surcharge, to mitigate or to cushion the impact of all the increases, what we are doing is… promote or sell what we call promo fares,” aniya pa.

Kasabay rin ng PAL na nagpatupad ng fuel surcharge ang Cebu Pacific at Air Asia.

Facebook Comments