Piñol, magsisilbing food security adviser ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos

59

Kinumpirma ni dating Department of Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol na napili siyang magsilbi bilang food security adviser ni incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.

Ayon kay Piñol, matagal na silang magkaibigan ni Carlos at katunayan ay nagsilbi itong consultant niya noong kalihim pa siya ng DA.

Sinang-ayunan din ni Piñol ang pahayag ni Carlos na dapat ikonsiderang national security concern ang food security.


Aniya, ramdam na ng mga Pilipino ang nagbabadyang food crisis.

Giit ni Piñol, malapit na sanang maabot ng Pilipinas ang pagiging rice self-sufficient noong 2017 pero napurnada ito dahil sa implementasyon ng Rice Tariffication Law na nagpabaha ng imported na bigas sa bansa.

Facebook Comments