Epekto ng trade war ng US-China, pinaghahandaan na ng gobyerno

Naghahanda na ng mga hakbang ang DTI at NEDA ng posibleng epekto sa bansa ng trade war sa pagitan ng US at China.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – ang trade war ng dalawang higanteng bansa ay makakaapekto sa export growth ng bansa lalo at ang Pilipinas ang second best export performer sa Asya nitong second quarter ng 2019 na may export growth na 1.2%.

Oportunidad din ito para sa Pilipinas na mang-akit pa ng mga mamumuhunan sa bansa at ayusin ang fundamental elements ng ekonomiya gaya ng pantalan, paliparan, energy infrastructure at pagpapabuti ng education system.


Facebook Comments