Yeng Guiao, ‘no regrets’ na maging Gilas head coach

59

Walang pinagsisisihan si Yeng Guiao kahit umuwing walang panalo ang Gilas Pilipinas sa FIBA 2019 World Cup.

Ito ay kasabay ng pagbibitiw ni Guiao bilang head coach ng pambansang koponan.


Ayon kay Guiao – hindi niya pinagsisihang tanggapin ang offer para pamunuan ang Gilas.

Pagkakataon din aniya ito para bigyan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mapaganda pa ang programang koponan.

Nagpapasalamat si Guiao sa lahat ng sumuporta sa kanyang coaching stint simula noong nakaraang taon.

Facebook Comments

From Advertisers