EPEKTO | Pagtaas ng presyo ng de lata at iba pang pangunahing bilihin, balak paimbestigahan ni Senadora Grace Poe

Manila, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senator Grace Poe sa Senado
ang magiging epekto ng pagtaas ng presyo ng de lata at iba pang pangunahing
bilihin.

Sa senate resolution 679 na inihain ni Poe, iginiit nito na nakasaad sa
section 1, article 13 ng konstitusyon, dapat bigyang prayoridad ng Kongreso
ang pagpasa ng mga batas na magtataguyod sa dignidad ng mga mamamayan.

Aniya, kabilang na aniya rito na matiyak ang stability sa presyo ng mga
pangunahing bilihin para mabigyan ng proteksiyon ang mga consumers mula sa
mga mapansamantalang negosyante.


Una nang inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang higit
pisong dagdag sa presyo ng mga de latang sardinas.

Facebook Comments