Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi talaga magiging pangmatagalan ang epekto sa Ekonomiya ng bansa ang ipinatutupad na Martia Law sa Mindanao at ang nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iaasahan nila na mayroon itong epekto pero hindi ito tatagal.
Patunay lang aniya dito ay ang pag-apruba ng Asian Development Bank o ADB ng 300 Million Dollars na loan sa bansa para mapalakas ang Ekonomiya ng Bansa.
Samantala, isinapubliko na ng Palasyo ng Manila, Philippines – ang General Order Number 1 ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapatupad ng Martial Law.
Dito ay nakalatag ang mga hakbang o ang mga panuntunan na dapat sundin ng Armed forces of the Philippines at iba pang kinauukulang tanggapan ng pamahalaam sa umiiral na Martial law base narin sa Proclamation Number 216.
DZXL558