Lumabas sa isang pag-aaral na mabilis ang nawawala ang epekto ng Pfizer-BioNTech vaccine kumpara sa bakuna ng AstraZeneca.
Ayon sa mga researchers mula sa Oxford University, bagama’t malaki ang efficacy ng dalawang doses ng Pfizer-BioNTech, agad din itong bumababa kaysa sa ikalawang doses ng AstraZeneca.
Batay din sa Nuffield Department of Medicine, nagiging iba ang dynamics ng ikalawang doses ng Pfizer at AstraZeneca matapos ang apat hanggang limang buwang epekto sa katawan ng isang tao.
Ang AstraZeneca vaccine ay pangunahing ginagamit United Kingdom, habang sa edad 40 pataas ibinibigay ang Pfizer at Moderna dahil sa isyu ng blood clotting.
Facebook Comments