Pinakamalaking shipment ng Sinovac vaccines mula sa China, dumating na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 3 milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng bansa mula sa China.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, alas-5:55 kahapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang mga bakuna sakay ng Philippine Airlines.

Personal itong sinalubong nina Vaccine czar Carlito Galvez Jr. at National Adviser Dr. Ted Herbosa.


Ito na ang pinakamalaking shipment ng bakuna na binili ng bansa mula sa China.

Sa ngayon, umabot na sa 45,940,390 ang kabuuang doses ng bakuna na dumating sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.

Facebook Comments