Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ipawalang-saysay na ng gobyerno ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Hindi pa man kasi nagtatagal ang TRAIN Law ay pumalo na sa 4.3% ang inflation rate nitong Marso.
Lalong tumaas ang presyo ng pagkain, inumin, tabako at mga singil sa serbisyo na maaaring hindi na maaawat pa kung hindi pa kikilos ang Kongreso.
Nangangamba pa ang mambabatas dahil sa nalalapit na pag-apruba sa TRAIN 2 ng Malakanyang na nakatutok naman sa pagpapababa ng corporate income tax na binabayaran ng mga negosyante.
Giit ni Zarate, hindi ito dapat na i-railroad ng Kongreso gaya ng ginawa sa unang TRAIN Law.
Kailangan umano ito ng masusing pag-aaral at pagtimbang dahil mas lalo nitong palalawakin ang agwat ng mahihirap at mayayamang Pilipino.