FINALS NA! | Alab Pilipinas, pasok na sa ASEAN Basketball League finals

80

Manila, Philippines – Muling nagsanib ng puwersa sina Justine Brownlee at Renaldo Balkman para trangkuhan ang Alab Pilipinas sa 79-72 panalo kontra defending champion Hong Kong Eastern sa ASEAN Basketball League.

May pinagsamang 43 points at 22 rebounds si Brownlee at Balkman para umusad ang Alab Pilipinas sa finals matapos wakasan ang pamamayagpag ng Hong Kong sa kanilang best of three semis sa score na 2-0.

Dahil sa panalo, ang Alab ang unang Pinoy team na muling nakapasok sa finals ng ABL simula noong 2013.

Facebook Comments