‘Epekto yan ng fentanyl”- PBBM kay Duterte

Tinawanan na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga alegasyon sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nasa drug watch list siya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ambush interview dito sa Villamor airbase bago umalis ang pangulo patungong Vietnam, sinabi ni PBBM na ang mga tirada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanya ay maaaring dahil sa paggamit umano ng fentanyl o pain killer.

Ayon sa pangulo na anim na taon na umano ang nakakalipas ng ihayag ni dating Pangulong Duterte na gumagamit ito ng fentanyl.


Highly addictive aniya ito at malakas ang side effects kung kaya’t marahil ay nagkakaganito ang dating pangulo.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na sana raw ay naaalagaang mabuti ng kaniyang nga doctor si dating Pangulong Duterte.

Samantala, hindi naman diretsahang sinagot ni Pangulong Marcos ang tanong ng media kung siya ay gumagamit ng iligal na droga.

Facebook Comments