Mga proceedings na may kaugnayan sa People’s Initiative, sinuspinde ng Comelec

Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proceedings nito kaugnay sa Peoples Initiative sa Charter Change.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kasama na rito ang pagtanggap ng mga pirma mula sa Comelec local offices alinsunod sa naging desisyon ng Comelec en banc.

Ito ay para bigyang-daan aniya ang pagsusuri ng mga guidelines o patakaran sa People’s Initiative para amyendahan ang 1987 constitution.


Iginiit naman ni Garcia na ang desisyon ng en banc ay walang halong pamumulitika kung kaya’t hindi sana isipin ng iilan na may pinapaborang grupo ang Comelec.

Facebook Comments