ER sa ilang ospital, mahigit 100% nang puno – PCP

Mahigit 100% nang okupado ang mga emergency room sa ilang ospital sa bansa.

Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Marical Limpin, puno na ang ER ng ilang ospital pero hindi na nila ito ikinagulat dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Bukod sa mga ER, kinakapos na rin sa medical supplies at mechanical ventilators ang ilang ospital.


Katunayan, ilang ospital sa Cebu City ang kailangan nang mamili ng mga pasyenteng mangangailangan ng ventilators dahil sa mababang supply.

Kahapon, August 28, nakapagtala ang Pilipinas ng 19,441 na bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas na kasong naitala mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Facebook Comments