ERC Chairman Jose Vicente Salazar, tinanggal na sa posisyon

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Office of the Executive Secretary (OES) na sibak na sa puwesto ang Chairman at Chief Executive Officer ng Energy Regulatory Commission o ERC na si Atty. Jose Vicente Salazar.

Base sa deisyon na inilabas ng OES ay napatunayang guilty sa 2 counts of simple misconduct at 1 count ng grave misconduct si Salazar.

Nakasaad din doon na hindi na maaaring humawak pa ng anomang posisyon sa gobyerno si Salazar at wala na itong makukuhang retirement benefits.


Facebook Comments