Mahigit 500 kawani ng BOC, na-promote na

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kung may malawakang sibakan sa BOC dahil sa korapsyon.

May mga na-promote naman dahil sa maayos na performance.

Sabay-sabay na nanumpa kanina kay BOC Comm. Isidro Lapeña ang 560 bagong promote na kawani.


Mahigpit ang bilin ni Lapeña sa mga na-promote na kawani na maging bahagi ng pagsugpo sa korapsyon at sa illegal drugs.

Nangako si Lapeña na may susunod pang batch ng promotion sa mga karapatdapat na mga kawani lalot nasa 3,325 na bakante pang posisyon sa BOC ang kailangang mapunan.

Umaasa si Lapeña na sa pamamagitan ng promotion ay matitigil na ang korapsyon sa BOC lalo na ang Tara system.

Facebook Comments