Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Palasyo ng *Malacañang *kung bakit sinuspinde ng 4 na buwan ng Office of the President si Energy Regulatory Board Chairman Jose Vicente Salazar.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, ito ay dahil sa insubordination o hindi pagsunod ni Salazar sa utos ng tanggapan ng Pangulo na direktang may control sa ERC.
Paliwanag ni Banaag, nang unang masuspinde si Salazar noong Mayo dahil sa ibang kaso ay mayroong itinalagang officer in charge ang Office of the President sa katauhan ng isang Atty. Sta Ana pero hindi sumunod si Salazar at sa halip ay nagtalaga ito ng kanyang sariling OIC sa katauhan ng isang Atty. Gomez.
Matatandaan na noong Mayo ay isinailalim sa Preventive suspension si Salazar dahil sa kinasasangkutan umano nitong katiwalian sa ERC.
ERC Chairman Vicente Salazar, muling sinuspide ng Malacañang
Facebook Comments