Taytay PNP nagsagawa ng clearing operation sa Brgy. San Juan Taytay Rizal

Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang mga vendor matapos ikasa ng Taytay PNP kasama ang mga SWAT Team ang clearing sa bahagi ng barkadahan bridge Brgy. San Juan Taytay Rizal.

Ayon kay Taytay COP Supt. Samuel Delorino matagal na nilang pinagsasabihan ang mga vendor na huwag magtinda sa tabi ng kalsada dahil nakaiistorbo umano ang mga ito sa daloy ng trapiko lalo na sa rush hour na nakalilikha ng bagal ng daloy ng trapiko sa lugar.

Habang dinidiskarga ng mga tauhan ng Taytay Clearing Operation Team ang mga paninda ng mga vendor ay nakabantay naman ang mga operatiba ng SWAT Team armado ng mga matataas na kalibre ng baril.


Umalma ang mga vendor sa ginagawang clearing operation ng Taytay Govt. dahil sinisira nila ang kanilang mga paninda at wala na umano silang alam na paraan na hanapbuhay kundi ang pagtitinda ng marangal.

Facebook Comments