Manila, Philippines – Inilabas na ng Korte Suprema ang desisyo sa petisyon ng grupong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Inc., sa usapin ng pagkakaroon ng Competitive Selection Process ng mga distribution utilities.
Nakasaad sa desisyon ng Supreme Court (SC) na lahat ng Power Supply Agreements o ¨PSA¨ na isinumite ng mga Distribution Utilities sa Energy Regulatory Commission o ERC simula June 30, 2015 ay dapat na dumaan muna sa Competitive Selection Process o CSP.
Ang CSP ay isang uri ng competitive public bidding sa pagbili ng supply ng kuryente ng mga distribution utilities.
Layon nitong masiguro ang patas at epektibong generation charge sa mga consumers sa pamamagitan ng transparent na bentahan ng supply ng kuryente sa pagitan ng mga generation companies at ng mga distribution.