Palarong Pambansa 2019, pormal nang natapos

Pinangunahan ni Davao Mayor Sara Duterte at iba pang matataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) ang pagtatapos ng 2019 Palarong Pambansa.

Muling itinanghal na overall champion ang National Capital Region, sinundan ng Region 4A Calabarzon at pangatlo ang Region VI Western Visayas.

Ayon kay Mayor Sara, binabati niya ang lahat ng manlalaro dahil nagpakita sila ng sportsmanship at ibinigay ang lahat sa laban.


Naniniwala din ang alkalde na mararating ng mga batang atleta ang kanilang pangarap dahil nakasuporta ang mga guro, coach, magulang at kaibigan.

Samantala naging highlights ang audio visual presentation ng mga batang atleta at kung paano nabago ng sports ang kanilang buhay.

Inanunsyo naman ni DepEd Undersecretary and Palarong Pambansa Secretary General Revsee Escobedo, na sa Occidental Mindoro gaganapin ang susunod na Palarong Pambansa taong 2020.

Facebook Comments