Naantala ang isang biyahe ng eroplano sa US matapos tumangging magsuot ng face mask ang dalawang pasahero sa kabila ng panganib ng coronavirus.
Alinsunod sa “no mask, no flying” policy, napilitang bumalik sa boarding gate ang isang Delta flight sa Detroit Metro Airport noong Hulyo 23, ayon sa CBS News nitong Lunes.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Delta sa ulat na pinababa sa eroplano ang dalawang pasaherong ayaw mag-mask, bago lumipad papuntang Atlanta.
Nauna nang sinabi ng airline na iba-ban nila ang mga customer na hindi susunod sa patakarang dapat naka-mask ang pasahero mula sa lobby hanggang sa eroplano.
Sa datos noong Hulyo 23, nakapagtala na ang Delta ng 120 pasahero sa kanilang no-fly list.
Hindi naman malinaw kung naidagdag na sa no-fly list ang dalawang pasahero sa Detroit.