Dumating na sa bansa ang mga bakuna kontra COVID-19 ng Johnson and Johnson (J&J) na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.
Kabuuang 1,606,000 doses ng J&J vaccines ang dumating sa bansa lulan ng Emirates Airlines flight EK332 na lumapag sa NAIA 3.
Ang naturang mga bakuna ay mula mismo sa COVAX Facility.
Ito rin ang unang batch ng mga bakuna na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.
Kabilang sa mga sumalubong ang ilang opisyal ng World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH) at US Embassy.
Una nang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington DC, USA na sunod-sunod ang magiging pagdating sa bansa ng mga bakunang donasyon ng Estados Unidos hanggang sa Disyembre ng taong ito.
Facebook Comments