Manila LGU, pinaplantsa ngayon ang mga hakbang laban sa posibleng pagkalat ng COVID-19 Delta variant

Kasalukuyang inilalatag ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga hakbang para matugunan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ang pulong ngayon ay ipinatawag ni Mayor Isko Moreno makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang dagdag na kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, dalawang kaso ng Delta variant ay andito sa lungsod ng Maynila kaya puspusan ngayon ang paghahanda ng lokal na pamahalaan para agad maaksyunan ang posibleng insidente ng pagkalat nito.


Facebook Comments