Eroplano ng Philippine Airlines na sasakyan ng panibagong 500,000 doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa China

Dumating na ngayong tanghali sa Beijing ang eroplano ng Philippine Airlines na magkakarga ng 500,000 doses ng Sinovac vaccines.

Ito na ang ikatlong batch ng Sinovac na binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China.

Pasado alas-7:00 kaninang umaga nang umalis sa NAIA ang Airbus 330 ng PAL patungong Beijing.


Alas-5:50 naman mamayang hapon inaasahang dadating sa Manila ang mga bakuna.

Sa kabuuan, 2.4 million doses na ng Sinovac ang nai-airlift ng Philippine Airlines.

Kabilang naman sa mga inaasahang tatanggap ng bakuna sina Senador Bong Go, Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez, Testing Czar Sec. Vivencio Dizon at ilan pang opisyal.

Facebook Comments