IPINAPATUPAD ng Family & Community Welfare Program (FCWP) ng DSWD-ARMM ang iba’t-ibang serbisyo at aktibidad tulad ng Enriched Parent Effectiveness Services (EPES), Responsible Parenthood Service, Marriage Counseling and Empowerment and Re-affirmation of Paternal Abilities (ERPAT).
Ang naturang mga programa ay isinasakatuparan para sa mga magulang at mga pamilya upang mapahusay ang kanilang kakayahan bilang mga magulang, maintindihan ang pagpapamilya, malaman ang kanilang mga papel at mga responsibilidad at kung paano mapatatag ang ralasyon ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Samantalang ang mga serbisyo naman ay isinasagawa ng Municipal Social Welfare Officers at Municipal Links bilang bahagi ng Family Development Sessions (FDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kabuuang bilang na 394,002 na mga magulang ang sumailalim na sa EPES at ERPAT sa pamamagitan ng FDS ng 4Ps sa first quarter ng 2018.(photo credit:dswd-armm)
ERPAT at EPES, patuloy na ipinatutupad ng DSWD-ARMM!
Facebook Comments