Erwan Huessaff, naiilang nga ba sa premiere night ng mga pelikula ni Anne Curtis?

Instagram/ Anne Curtis- Smith

Ipinaliwanag ni Anne Curtis kung bakit nga ba laging wala ang asawa na si Erwan Huessaff sa premiere night ng kaniyang mga pelikula.

Sa isang tanong mula sa press conference ng bagong pelikula na “Just A Stranger” kasama si Marco Gumabao, sinabi ni Anne na huwag na asahan na darating ang kaniyang asawa sa premiere night nito.

https://www.instagram.com/p/Bx_gHNwBRuB/


“He won’t go to the the premiere night, he doesn’t usually go. Like he didn’t go to ‘Sid & Aya’ but he watches it in a regular screening,” aniya.

Ayon sa aktres, isang pelikula niya noon sa Estados Unidos na Blood Random, tumitingin ang mga tao kay Erwan sa loob ng sinehan dahil malala ang intimate scene si Anne sa ibang aktor.

Dagdag niya, nailang noon si Erwan kaya hindi na ito dumalo sa mga premiere night ng aktres. Tiniyak naman ni Anne na patuloy pa rin si Erwan sa kaniyang mga proyekto.

“Erwan is very open about my work, he’s not strict or anything… I did let him read the script, just out of my respect and just to see what he would say and he found it was a beautifully script,” pahayag ni Anne.

Ginagampanan ni Anne Curtis ang karakter na Mae at si Marco Gumabao naman ay bilang Jericho. Papalabas ang “Just A Stranger” sa mga sinehan sa Agosto 21.

Facebook Comments