España boulevard – binulabog ng bomb scare

Manila, Philippines – Nagdulot ng takot sa mga residente at motorista ang isang kahina-hinalang bag sa Sampaloc, Maynila mag-aalas dose kaninang tanghali.

Kwento ng nakasaksi na si aling Flora, isang lalaki na nakasuot ng itim na long sleeve ang nakita niyang palinga-linga habang nasa waiting shed sa may panulukan ng Vicente Cruz at EspaƱa Boulevard.

Maya-maya paā€™y iniwan nito sa kalsada ang isang bag saka sumakay ng jeep.


Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD-explosives and ordinance division pero napag-alamang mga damit lang ang laman nito.

Balik-normal na rin ang daloy ng trapiko sa lugar matapos isara ang kalsada dahil sa bomb scare.

DZXL558

Facebook Comments