Training ni Manny Pacquiao sa Gensan, tuloy na tuloy na

General Santos City, Philippines – Tuloy na tuloy na ang training ni People’s Champ Manny Pacquiao sa sarili nitong training camp sa General Santos City.

Ngayong Linggo na darating ng gensan ang team Pacquiao kung saan gugugulin ng Pambansang Kamao ang nalalabing araw ng kanyang training bago lumipad ng Australia.

Ayon sa assistant conditioning coach nito na si Nonoy Neri – mula June 5 hanggang 23 tututukan ni Pacquiao ang sparring sessions at altitude training.


Makakasama ni Pacquiao sa training ang tatlong sparring partner nito at trainer na sina Freddie Roach at Buboy Fernandez.
DZXL558

Facebook Comments