ESPN commentator, tinawag na ‘garbage’ si Duterte

2997

Tila ikinumpara ni ESPN SportsCenter commentator Keith Olbermann sa basura si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang tweet, May 22.


“Wait—Duterte is shipping HIMSELF to Canada?” ang ipinost ni Olbermann na reaksyon sa balita ng CNN Philippines na iniutos ng Pangulo ang pagpapabalik sa Canada ng kanilang basura.

Si Olbermann ay American sports at political commentator, at kilala sa mga pambabatikos nito sa ilang matataas na indibidwal gaya ni dating United States President George Bush at incumbent President Donald Trump.

Nakaraang Miyerkules nang maglabas ng utos si Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na maghanap ng pribadong shipping company na magtatapon ng basura sa territorial waters ng Canada kung hindi nito tatanggapin ang kanilang basura.

Ayon kay Spokesman Salvador Panelo, May 15 pa dapat ang deadline ng Canada para kuhain pabalik sa kanila ang basura pero hindi ito tumupad, dahilan para umano magalit ang Pangulo.

Facebook Comments