Sinilip ngayon ng House Committee on Visayas Development at Committee on Energy ang industriya ng Bioethanol sa bansa.
Sa pagdinig ay inilatag ang mga hamon na kinakaharap ng Bioethanol industry partikular ang planta na nasa Negros Occidental.
Sinabi ni Visayas Development Committee Chairman Melecio Yap na pangunahing dahilan ng pagpapasa ng Bioethanol Act noon pang panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay para matiyak na gagamit ng mas malinis na uri ng panggatong o biofuels ang publiko.
Pangunahing ihalo sa gasolina at diesel ang locally produced na bioethanols alinsunod sa batas.
Pero napagalaman sa pagdinig na may kakulangan sa feed stock o mga materyales sa paggawa ang ating bansa at mas mura ang pagimport sa halip na dito gawin ang bioethanol.
Kulang din ang na-i-po-produce na local bioethanol na nasa 300 million liters lamang gayong aabot sa 644 million liters ang demand ng bioethanol sa Pilipinas.