Estados Unidos, kinondena ang aksyon na ginawa ng Chinese Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa WPS

Kinondena ng United States ang ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG) kahapon matapos nitong pasabugan ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, suportado nito ang Pilipinas dahil isa sa mga partner allies nito para sa Free and Open ng Indo Pacific

Aniya, naging agresibo ang aksyon ng China sa mga sasakyang pandagat ng Bureau of Fishes and Aquatic Resources (BFAR) na legal na nasasagawa ng operasyon sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng sakop ng Pilipinas.


Nauna nang kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang isinagawang ilegal na aksyon ng Chinese Coast Guard at Maritime Militia kahapon laban sa silbilyang barko ng Pilipinas.

Binigyang diin din ng mga ito ang kahalagahan ng pagsunod sa batas pandaigdig, lalo na sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 Arbitral Award.

Facebook Comments