Estados Unidos, may karagdagang 11.3 milyong dolyar na tulong kontra COVID-19 sa Pilipinas

Nagbigay ang Estados Unidos sa Pilipinas ng karagdagang 11.3 milyong dolyar na halaga ng tulong para sa kampanya kontra sa COVID-19 ng bansa.

Batay sa ulat ng US Embassy Manila, ang pondo ay ipinagkaloob sa pamamagitan US Agency for International Development (USAID) bilang pang suporta sa vaccine rollout at national response plan to detect, manage, and treat COVID-19 ng Pilipinas.

Sa ngayon, umaabot na sa kabuuang 39 na milyong dolyar ang naiambag ng USAID, US Department of State, at U.S. Department of Defense bilang COVID-19 assistance sa Pilipinas mula ng magsimula ang pandemya.


Mahigit 6 na milyong doses ng bakuna na rin ang naipagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sinuportahan din ng USAID ang 44 na libong healthcare workers at 800 ospital at clinic sa Pilipinas sa pamamagitan ng gamot, personal protective equipment (PPE), hygiene kits, at iba pang kagamitang pangligtas ng buhay.

Sa datos pa ng US Embassy Manila sa nakalipas na 20 taon, mahigit sa 600 milyong dolyar na ang naiambag ng USAID sa Philippine Health Sector.

Facebook Comments