Naniniwala si Vice President Leni Robredo na may karapatan ang Estados Unidos na suportahan ang resolusyong nagpapalaya kay Sen. Leila De Lima.
Sa Programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na hindi maaaring pigilan ng ating mga opisyal ang kanilang US Counterparts sa nais nilang gawin.
Sinabi ni Robredo, ipinapakita lamang nito na may ilang US Senatos na itinataguyod ang Human Rights at Rule of Law.
Sa ilalim ng US Senate Resolution 142, idinideklara si De Lima bilang ‘Prisoner of Conscience’ at ikinulong dahil sa kanyang pananaw sa pulitika at pagtataguyod ng Freedom of Expression.
Ang Resolusyon ay iniakda ni US Senators Dick Durbin at Edward Markey, at nakapasa sa US Senate Foreign Relations Committee.
Ikinokondena rin nito ang harassment, pag-aresto, at hindi makatarungang judicial proceedings laban kay Rappler Chief Maria Ressa.