Camp Bagong Diwa, isasailalim sa lockdown kasabay ng paglalabas ng desisyon sa Maguindanao Massacre

1962

Magtataas ng alerto ang kapulisan sa Taguig City simula sa Miyerkules, Dec. 18 o ang araw bago ang inaasahang paglalabas ng desisyon sa Maguindanao Massacre.

Ayon kay NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas, nasa Highest Security Alert Status na ang Camp Bagong Diwa sa Bicutan.


Magkakaroon ng lockdown sa kampo simula alas-6:00 ng umaga ng December 19 at walang papayagang pumasok at lalabas ng kampo sa oras ng promulgation.

Nasa 730 na pulis ang magbabantay sa Camp Bagong Diwa.

Hinimok din ng NCRPO ang mga sumusuporta sa mga biktima at akusado sa kaso na iwasang magsagawa ng protesta sa harap ng kampo.

Facebook Comments
From Advertisers