NORTH KOREA – Dinagdag ngayon ng Estados Unidos ang mga North Korean officials na blacklisted sa kanilang bansa dahil sa pang-aabuso sa karapatang pantao.Batay sa Office of Foreign assets control, anim na lalaki at isang babae ang dumagdag sa kanilang humahabang listahan na pawang lahat ay opisyal ng gobyerno ng democratic people’s republic of korea.Kabilang dito ang kapatid na babae ni Norkor President Kim Jong Un na si Kim Yo Jong.Kaugnay nito ay tinawag rin ng US State Department na “worst” o pinakamalala ang nangyayaring pang-aabuso sa human rights sa hilagang Korea.Binigyang-diin ng State Department na patuloy na umiiral ang extrajudicial killings, enforced disappearances, arbitrary arrest and detention, forced labour at torture sa Pyongyang.
Estados Unidos, Nagdagdag Ng Mga Blacklisted Officers Mula Sa North Korean
Facebook Comments