Estados Unidos, nakapagtala ng higit 100,000 na kaso ng COVID-19 sa gitna ng 2020 Presidential Election

Nakapagtala ang Estados Unidos ng higit 100,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa gitna ng ginaganap na 2020 Presidential Election.

Dahil dito, pumapalo na sa higit 9.5 milyon ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus base sa datos ng U.S. Department of Health and Human Services (HHS) at ng COVID Tracking Project.

Nasa 6,292,019 naman ang nakarekober pero pumalo sa 239,829 ang nasawi.


Bukod dito, nadagdagan din ng higit 50,000 COVID patient ang lahat ng hospital sa US kung saan hindi naman isinisisi ng mga health officials sa ginaganap na Presidential Election ang biglaang pagdami ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Pero isa sa nakikita nilang dahilan ay maaaring na-monitor ng ilang Public Health Officials at Health Care Personnel ang kalusugan ng kanilang mga mamamayan na lumabas at bumoto sa halalan.

Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin si Vice President Joe Biden ng Democratic Party na may 264 electoral votes habang 214 ang kay President Donald Trump.

Facebook Comments