Sahod ng mga kongresista ibibigay sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly at Quinta

Umabot na sa 7 milyong piso ang nalikom na cash donations mula sa mga kongresista simula noong Lunes.

Matatandaang, nangako ang ilang kongresista na ibibigay nila ang kanilang kabuuang sahod ngayong buwan upang makalikom ng pondo para sa mga naapektuhan ng Bagyong Quinta at Rolly.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, kailangan nilang magtulungan para mabasawan ang paghihirap ng mga Pilipino lalo na ngayong patuloy pa rin nilalaban ng bansa ang pandemya.


Samantala, nanawagan naman si House Secretary General Jocelia Bighani Sipin para sa donasyon ng mga perishable items tulad ng toiletries, damit, tsinelas at iba pang bagay na maaaring gamitin ng mga nasalanta.

Aniya, naglagay na sila ng mga donations boxes kung saan kanilang hinikayat ang empleyado na mag-donate ng anumang makakayanan nila.

Facebook Comments