Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot ang Estados Unidos na magdeklara ng giyera sa China kaugnay sa sigalot sa West Philippine Sea.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Agusan del Norte – sinabi ng Pangulo na kapag inatake ng Beijing ang Pilipinas, tutulong ang Amerika na posibleng magpasiklab lang sa ikatlong digmaang pandaigdig.
Tinawag ng Pangulo na istupido si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.
Isinisisi rin ng Pangulo si dating Pangulong Noynoy Aquino III at Del Rosario dahil sa mishandling sa Panatag Shoal standoff noong 2012.
Dagdag pa ng Pangulo – habang dinidinig ng Arbitral Court ang kaso, nagpapadala na ang China ng mga barko nito sa Panatag Shoal.
Dahil dito, isinantabi ng Pangulo ang arbitral ruling na nagpapawalang saysay sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Pero una nang iginiit ng Malacañan na hindi isinantabi ng administrasyon ang ruling, sadya lamang na “unenforceable” ito.