ESTAFA CASES | DOJ, kinumpirma ang pagkakaaresto ni Japanese Gaming Tycoon Okada sa Hong Kong

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na ang Chief Executive Officer ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI) na si Kazuo Okada ay naaresto na sa hong kong ng mga operatiba ng Independent Commission Against Corruption (ICAC).

Base sa natanggap na ulat ng DOJ, si Okada ay nahuli kasama ang isang nagngangalang Li Jian dahil sa defrauding ng aabot sa $19.7 million mula sa Okada Holdings.

Si Li Jiam ay iniulat na director ng New Games Corporation na nakatanggap umano ng one million Chinese yuan o katumbas ng halos $150,000 mula sa Okada.


Nabatid na mayroong lookout bulletin order ang DOJ laban kay Okada dahil sa $10 million estafa cases na isinampa ng majority holders ng Tiger Resort.

Facebook Comments