Manila, Philippines – Isinailalim na sa lookout bulletin ang gaming tycoon na si Kazuo Okada.
Kasunod na rin ito ng kautusan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong four counts ng estafa at three counts ng perjury na isinampa ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc.
Nag-ugat ang kaso sa pagtangay daw ni Okada ng malaking salapi mula sa nasabing kumpanya nung siya pa ang chairman ng board of directors nito.
Nagpalabas din daw si Okada ng mga mapanirang akusasyon laban sa kumpanya kaya siya kinasuhan ng perjury sa Paranaque City Regional Trial Court.
Inatasan din ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Immigration Commissioner Jaime Morente na makipag ugnayan sa NBI hinggil sa mga karagdagang detalye ng ilbo.
Inalerto rin ng DOJ ang immigration personnel sa mga paliparan at seaports hinggil sa nasabing lookout bulletin order.