“Estafa” remark ni retired Justice Antonio Carpio kay Pangulong Duterte, pinalagan ng Palasyo

Bumuwelta ang Malacañang kay retired Justice Antonio Carpio matapos niyang ilarawan bilang “grand estafa” ang aniya’y hindi natupad na pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin ang mga inaangking isla ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bilang dating Supreme Court (SC) justice, dapat na alam niya ang elemento ng estafa.

Katunayan aniya, ang desisyon ng SC na nilagdaan mismo ni Carpio noong 2011 ang siyang nagresulta para mawala sa Pilipinas ang mga isla.


Una rito, ipinaalala ni Carpio sa Pangulo ang naging pahayag nito noong April 2016 presidential debate na sasakay siya ng jet ski patungo sa mga inangking isla ng China at magtitirik ng watawat ng Pilipinas.

Pero kamakailan nang itanggi ni Pangulong Duterte na siya ay nangako.

Facebook Comments