Estapadora sa Ifugao, Arestado sa Diffun, Quirino!

*Cauayan City, Isabela*- Ipinasakamay na sa himpilan ng pulisya sa Alfonso Lista, Ifugao ang isang dalaga na may kasong estafa matapos na mahuli sa pinagsanib na pwersa ng otoridad sa Barangay Andress Bonifacio, Diffun, Quirino.

Kinilala ni P/Maj. Victoriano Yarcia Jr., hepe ng PNP Diffun ang suspek na si Maileen Domingo, 39-anyos na residente ng Barangay Sta Maria, Alfonsolista, Ifugao.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.Reymundo Aumentado, presideng judge ng RTV Branch 20 ng Cauayan City, Isabela ay nahuli si Domingo sa kanyang pinagtataguan sa bayan ng Diffun, Quirino.


Posibleng makalaya lamang si Domingo kung makapagpiyansa ng P60, 000 dahil sa kinakaharap na kasong estafa.

Sa parehas na kaso sa kanilang bayan ay mayroon pang mga warrant of arrest sa korte sa bayan Bayombong at Bambang, Nueva Vizcaya si Domingo.

Facebook Comments