ESTIMATED BUDGET | 25 bilyong piso, kailangan para sa pagpapatupad ng panukalang national ID system – NEDA

Manila, Philippines – Aabot sa 25 bilyong piso ang kailangan para
maipatupad ang national ID system.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang nasabing
estimated budget ay sakop na ang limang taong pagpapatupad nito at sakop
ang systems design hardware at registration ng kasalukuyang populasyon.

Sabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang unified ID
system ay mas mailalapit pa ang mga Pilipino sa mga public services at
development opportunities.


Una nang binigyan ng dalawang bilyong piso ang Philippine Statistics
Authority (PSA) para sa pagbili ng mga kinakailangang hardware at software
at systems design nito.

Nabatid na ang panukala ay lusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado at
aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara.

Facebook Comments