Estratehiya sa pagpo-promote ng turismo sa bansa, pinaparepaso ni Senator Binay

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay sa Department of Tourism (DOT) na repasuhin ang estratehiya sa pagpopromote ng turismo sa bansa.

Mungkahi ni Senator Binay, tutukan ang domestic market o ang lokal na turismo bilang solusyon negatibong perception sa abroad ng pilipinas na nakaapekto sa dami ng mga dayuhang bumibisita sa bansa.

Paliwanag ni Senator Binay, sayang lang ang mga advertisements para sa foreign market kung hindi naman ito kinakagat ng mga dayuhan.


Yan aniya ay dahil sa kasalukuyang gulo sa Mindanao, mga travel advisories at pagbansag pa sa ating bansa bilang isa sa “World’s Dangerous Destinations.”

Binanggit din ni Senator Binay ang kasabihan na hindi tayo dapat maging banyaga sa sarili nating bansa.

Kaya maganda aniya na hikayatin ng husto ng DOT ang mga Pilpino na bisitahin ang mga magagandang lugar o tourist destination sa ibat ibang panig ng Pilipinas.

Facebook Comments