Pagkalat at pagbebenta ng pekeng bigas sa mga palengke, walang matibay na ebidensya ayon sa NFA

90

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan National Food Authority na walang matibay na ebidensya na kumakalat na at ibenebenta na sa mga palenke ang mga pekeng bigas.

Ayon kay NFA Assistant Spokesperson Rebecca Olarte, regular ang monitoring nila at wala naman silang nakikitang problema sa mga palengke.

Apela ng ahensya sa publiko, iwasan na ang pagkakalat ng maling balita dahil nakakalikha lamang ito ng takot.

Nagbibay naman ng payo ang NFA sa kung paano malalaman ang kaibahan ng totoong bigas sa pekeng bigas.

Paliwanag ni Rebecca una ang tunay na bigas ay may paumbok na bahagi ang butil at parang may kanal na nakaukit;
Pangalawa, magkakaiba ang hugis ng mga butil;
Pangatlo,patagilid na patusok ang hugis ng kabilang dulo nito;
Pang apat, wala itong kakaibang amoy kapag niluto;
At pang lima wala itong foam-like substance sa ibabaw ng lutong kanin.

Una nang sinabi ng NFA na kukuha muna sila ng sample ng inirereklamong bigas para isailalim sa pagsusuri ng Food Development Center ng NFA.

Matatandaang batay sa reklamo, iba ang lasa ng bigas na nabili sa isang pamilihan at noong iluto na ay mahirap din nguyain dahil parang goma umano ito na sobrang kunat.

Bukod sa fake rice issue ngayong taon, noong 2015 ay napaulat din ang pagkalat ng pekeng bigas sa Tanauan, Batangas subalit matapos suriin ng NFA ay napag-alaman na hindi peke ang bigas.

Facebook Comments