Estudyante, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

276

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng pulisya ang isang estudyante na may kasong panggahasa sa Brgy. Buliwao, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj. Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang akusado na estudyante ay pansamantalang itinago sa pangalang ‘John’, 17-anyos, grade 11 at residente sa naturang lugar.


Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hon. Ciciro B Jandoc, presiding Judge ng RTC Br. 29 docketed under CC# 11068 sa kasong panggagahasa.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makapaglagak ng piyansang P120,000.00.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Quezon para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments