ESTUDYANTE, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

18
Nahulihan ang isang estudyante ng iligal na droga at marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Peñablanca, Cagayan pasado alas dos ng hapon kahapon, Hulyo 20, 2022.

Kinilalaang suspek na si Owen Jantzen Paat Sibbaluca, 22 taong gulang, estudyante at residente ng Brgy. Dodan, Peñablanca, Cagayan.

Siya ay naaktuhang nag nagbebenta ng iligal na droga sa ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer.

Nasamsam sa suspek ang 0.05 gramo ng droga at limang plastic sachet na naglalaman ng 5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Kinumpiska rin ng mga pulis mula sa lalaki ang isang cellphone at buy bust money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments