Estudyante at Isang Menor de Edad, Arestado sa Kasong Pagnanakaw!

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng otoridad ang dalawang estudyante na wanted sa Kasong pagnanakaw sa Lungsod ng Cauayan.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, naaresto ang 18 taong gulang na kinilalang si Jordan Pascua at isang 16 taong gulang na itinago sa pangalang ‘Marcos’ na kapwa estudyante at residente ng Brgy. Gappal, Cauayan City, Isabela.

Pasado alas 7:00 kaninang umaga nang madakip ng kapulisan sa barangay Gappal ang dalawang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan- Soriano, ng MTCC Cauayan City, Isabela.


Nasa halagang tig- Php10,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa Cauayan City Police Station ang dalawang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments