Estudyante at kasamahan nito timbog dahil sa marijuana at granadang dala

Tayug Pangasinan – Nasakote ang dalawang kalalakihan dahil sa pagbebenta ng marijuana at pagdadala ng granada sa pinagsnib na pwersa ng PDEA Region 1 at PNP Tayug.

Sa isinagawang entrapment operation sa Tayug – Baguio Van Terminal nakuha mula sa mga suspek ang limang plastik ng hinihinalang marijuana, granada, at marked money. Nakilala ang mga suspects na sina Steeden Lumdang, 21 anyos na isang estudyante, at Jimmie Bagguso, 18 anyos na mga pawang residente ng Asin Road, Baguio City.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga otoridad nagkaroon na ito ng lead kung saan nagmumula ang mga supply nito ng marijuana at ayon kay Police Major Jose Abaya, hepe ng PNP Tayug ay nakikipagtulungan na sila sa PNP Benguet para sa agarang ikadarakip ng iba pang mga kasamahan ng dalawa.


Kakaharapin ng dalawang suspects paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at illegal possession of explosives.

Facebook Comments